This blog post is long overdue. Halos isang taon na since I published my last #KuwentongBagongNanay featuring Chesca Susmerano, a creative mompreneur and founder of Studio Maria for Mamas last March 20.
And on March 21, I will be celebrating my first anniversary as one of the editors of Smart Parenting. Mababasa ninyo ang halos lahat ng sinulat ko dito.
Napaka-surreal, to think na one year ago, hindi ko akalain na magkakaroon pa ako ng regular job bilang nag-resign ako to be a full-time mom in 2020, then the Covid-19 pandemic happened.
I also learned that I went through postpartum depression in 2021. Grabe the year that was.
But now, I’m here, explaining myself what happened to me. Getting my dream job – writing + parenting – and working with amazing teammates and mentors are just some of the biggest plot twists of 2022, and it’s all glory and thanks to God.
Hindi ko naman nagawa yun dahil magaling ako. Nagawa ko yun dahil nagtiwala ako kay Lord.
Hindi naman ako tumigil sa pagiging advocate ng maternal mental health at pagsuporta sa mga bagong nanay. Kumbaga, naredirect lang ako, pero ganun pa rin ang ginagawa ko. Nagsusulat, nakikipag-usap, nagbebenta ng malunggay, tuloy pa rin.
Buhay na buhay pa rin ang Viber group ng Bagong Nanays. Nag-out of town trips na kami ng ibang members na naging matatalik na kaibigan ko na. Sali ka dito kung wala ka pa doon.
Ang pinagkaiba lang, hindi na ako nakakapagsulat dito. Kasi naman, I’ve been writing daily for Smart Parenting. Stories of celebrities, parents, children, and inspiring people to raise healthy and happy families. I’ve been waking up every day with not just a deadline, but a purpose. And for that, thankful ako kay Lord.
Until one day, sabi sa akin ni Chesca, willing daw ba akong makipag-collab ulit sa kanya for Women’s month. Baka daw busy ako kaya siya nagtatanong muna. Siya pa nagtanong, eh malapit na siya manganak noon! Nanganak na siya, and na-launch pa rin niya ang collab namin. Ganun siya kagaling.
So ano bang point nitong blog post na ito? Aside from giving a life update, invite ko na kayo to join our statement shirt contest! Your witty idea could be printed on shirts and be worn by moms in the Philippines and all over the world. Gustomoyorn
Hindi alam ng mundo ang hirap na dinaranas mo. Hindi nakikita ng lahat kung gaano kasarap sa puso maging nanay.
Simple lang ang mechanics, punta ka lang sa link na ito or basahin mo hanggang dulo and you will know what to do. Then, start thinking about your ideas then write it down on your notebook or phone muna. You know, the best ideas come to us while we are in the shower or washing dishes. Tapos alarm ka ng March 18, isubmit mo entries mo on that day. Yun lang.
Why are we doing this again? Studio Maria and Bagong Nanay believe that moms matter. And through these shirts, we can raise more awareness on what first-time moms and even moms of multiple children go through. Kesyo pa-joke o seryoso, we should make a stand while we can.
Hindi alam ng mundo ang hirap na dinaranas mo. Hindi nakikita ng lahat kung gaano kasarap sa puso maging nanay. Through these shirts, kahit papaano, we are giving the people around us a glimpse of our lives. A snapshot of what we stand for.
Yung tipong pag suot ko yung t-shirt ko na Studio Maria na nakalagay “Moms matter,” para akong tumatayo para sa lahat ng nanay na akala nila wala na silang kwenta simula nung naging nanay sila.

Tuwing suot ko yung shirt ko na “Bagong Nanay Club,” napaparamdam ko sa makakasalubong ko na kapapanganak pa lang na hindi siya nag-iisa.
Lam mo yun, simpleng t-shirt pero ang laki ng impact. Nagsuot ka lang ng damit, pero nakabuo ka ng araw ng ibang tao.
Paano pa kung ang nakasulat sa tshirt na susuotin mo at irarampa sa mall eh, “kaMAhal-MAhal ka.” O di kaya, “Gets ko yang mombrain mo.” Diba, ang sarap mabasa? Ang sarap malamang hindi ka nag-iisa? Teka, entries ko yan ha.
O siya, inaantok na ako at ayokong nagpupuyat dahil ikakagrumpy ko ito bukas. Sana nagets mo yung point ko, na itong mga ganitong pagkakataon para magsalita, o manindigan para sa mga nanay ay napakahalaga.
What if ikaw ang inatasan ni Lord na makaisip ng next statement na ilalagay sa Studio Maria x Bagong Nanay shirt? Click mo na ito, sige na.
bit.ly/studiomariaxbagongnanay
Babalik ako dito palagi. Sana andito ka pa rin.
Nanay Judy
PS. Kamusta ka, Bagong Nanay? Comment below kung umabot ka dito, at baka may ipadala ako sa’yong surprise.
PPS. Chescagurl, congrats sa pagiging bagong nanay ulit. Salamat kay Lord at pinagtagpo tayo, 2 collabs in this lifetime, hindi biro yun ah? Salamat sa tiwala, mamsh.
To God be all the glory.
Leave a Reply