Collab ng Taon: Bagong Nanay Club Merch with Studio Maria

Hello, Bagong Nanay!

Kumusta ka? Sana okay ka lang despite the rising number of Covid-19 cases dahil sa Omicron na yan.

It’s 2:23AM, pero hyped na hyped ako dahil mamaya na ang launch ng Bagong Nanay Club Merch!!! AHHHHHHHHH!!!

So basically, magda-dump lang ako dito ng mga thoughts and feelings ko dahil sobrang overwhelmed ako sa collab na ito.

I remember one of my bestfriends saying, “Paano mo malalaman na will ni God for you ang isang bagay?” And the answer we concluded was, “Pag hindi pilit, at smooth lang ang bagay-bagay.” Kumbaga, iyo talaga yan. Ina-allow ni God yan for you. Hindi ka na Niya papahirapan.

Para organized ang thoughts ko, ganito ko nalang ikikuwento kung paano nagtugma ang lahat para mangyari ang collab na ito:

  • July 18, 2019: My Bagong Nanay moment. Naging literal na bagong nanay ako kay Therese Aurelia. 34 weeks palang siya, gusto niya na lumabas sa outside world! Siya ang pinakamagandang bata sa buong mundo.

  • September 11, 2019: Bagong Nanay was conceived. In one of my 5-minute showers, naisip ko “Juskolord. Bagong Nanay na ako. OMG. Paano ba ihahack ito? Napakahirap!” Boom! Nakatuwalya palang ako nun, gumawa ako ng Instagram account, and the rest is history. Ang initial idea is to make it a crowdsourcing hub for first-time moms on IG, kasi andun madalas nakatambay ang mga nanay.

  • November 8, 2019: Mommy Jersey dreams. Nangarap ako gumawa ng “mommy jerseys.” Four months palang ang baby ko noon, at naka-maternity leave pa ako. Na-inspire akong gawin ang idea na ito kasi lagi kong suot na ang basketball jersey ni Husband for easy access sa boobs. Hehe.

  • January 29, 2020: Transition. Nag-resign ako from my regular job as an Assistant Communications Manager to be a full-time nanay. Simula noon, sabi ko, kakareerin ko ang Bagong Nanay. Nag-start ako ng The Bagong Nanay Shop, etc.

  • August 2, 2021: Cold message. Na-discover ko ang Studio Maria for Mamas. Meron silang muscle tees na same ng na-envision ko for my mommy jerseys. Parang na-dishearten ako na may nakaisip na pala non. LOL. Pero what if pwedeng maki-ride nalang ako sa current na meron sila? So nag-DM ako sa Studio Maria for Mamas sa Instagram (around 3AM pala yun, haha) na “Would love to have a shirt that says, Bagong Nanay!” Try lang, diba. At nag-reply si Chesca, ng “Nice idea! I can include in future releases!” WOAH. Simula noon, nabuhayan ang pangarap kong mommy jerseys!

  • September 17, 2021: Bagong Nanay as Studio Maria Partner Affiliate. Nag-join ako sa free workshop ng The Social Media Rebel, at nag-promote doon si Chesca about Studio Maria. Nag-sign up ako to be a Studio Maria Partner Affiliate for extra income, at bilang aligned naman talaga siya sa goals ng Bagong Nanay. Nagka-chat kami ni Chesca on IG, at naalala niya na gusto kong makipag-collab. Di niya alam, halos maihi ako sa kilig!

  • December 9, 2021: Planning Eto na! Tuloy-tuloy na ang online planning, brainstorming, and execution for the Bagong Nanay Club Merch! Lahat via chat and email lang with Chesca! Haha. Nag-crowdsource kami ng content from Bagong Nanays, dahil para sa kanila ito.

  • January 15, 2021: Bagong Nanay Club Merch Launch. To God be all the glory.

Isa ito sa mga pangyayari sa buhay ko na nagpprove na, God’s delays are not denials. May mga bagay na pangarap natin, tapos maffrustrate tayo dahil hindi siya nangyari based on how we envisioned it, pero yun pala, may better plan for us.

God’s detour. A collab with Studio Maria for Mamas!

Chesca Susmerano, a creative mompreneur, has her own shirt printing business, at sobrang high-quality ng shirts at print niya. Pang-alta! Hindi ka mapapahiya ipangregalo! Haha. Ako naman, I’m building an online community for first-time moms. Nag-swak ang mga bagay-bagay, kaya nangyari ang collab na ito. Ang smooth, diba?

Kaya naman, 3AM na. See you later on Instagram Live at 6PM for the Bagong Nanay Club merch launch!!! We’ll be launching FOUR (4) SHIRT DESIGNS na crowdsourced from real Bagong Nanays. Nakakakilig talaga. Thank you Lord for Chesca and for this project! Please please support us and share this to your mommy friends!

See you later at 6PM!

May this collab empower more Bagong Nanays. You are not alone.

Nanay Judy

Shop now at studiomaria.art, and use the code, BAGONGNANAY

to get 15% off!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: