Hello, Bagong Nanay!
Trivia: Alam niyo ba na most of the recent Bagong Nanay Question of the Week questions ay hindi galing sa akin? Yes. Galing sila kay husband – si Bagong Tatay! Hehe.
Kaya nung pinost ko ang Bagong Nanay Question of the Week natin, natuwa ako! Parang napa-throwback ako sa testi days ng friendster! Parang nagkaroon ng outlet ang mga mommies on Instagram para i-recognize ang mga nanay influencers na paborito nila, at the same time, nirecognize din ng mga influencers ang mga nanay fans nila. Hehe.
Kaya naman, umeffort akong ilista ang top 10 na voted as the Most Favorite Nanay Influencers on Instagram ng mga Bagong Nanay followers.
Heto na sila, in no particular order:
1. thenurturingmomma
Napili siya ni Mommy brendaaguilan dahil “very friendly, soft-spoken, God-fearing and laging nagsishare ng opportunity.”
Sabi naman ni inaybessie, “ang cute ng content niya pramis, busy lang ako kaya hindi ko pa napapakinggan ang podcast niya, nakaka-goodvibes ang videos niya.”
Follow Mommy Therese Cardenas aka thenurturingmomma as she aims to bring back sanity and self-care to nurturing mommas. Check out her podcast, Hello Momdays!
2. slayingmotherhood
Sabi ni mamatin.blogs, fina-follow niya si Mommy Babzee dahil “kalog! Fun and exciting parenting.” Si Mommy mayjowa_na, siya ang top 2 dahil sabi niya, “gustong gusto ko talaga yung mga nanay na may sense of humour sa mga post.”
Follow Mommy Babzee aka slayingmotherhood, if you want to see more of her “witty nanay” posts like this:
3. mommypehpot
“Sobrang down to earth, hindi madamot sa opportunity, kaalaman, medyo mukhang masungit. Nanay na Nanay,” sabi ni mamatin.blogs.
Sabi ni mommyfarizza, “Yung words of wisdom niya super nakakainspire. Isa siya sa mga inspirasyon ko bakit pa tuloy akong nagpupursige maging isang ambassador.”
Follow mommypehpot, mom of five, dahil baka ikaw nalang ang hindi pa naka-follow sa kanya! She has 78.5k followers to date. Wow.
4. justcheespeaks
Eto, personal favorite ko din itong si Mommy Chee! Kaya naman isa siya sa mga ininvite ko na magsulat ng #KuwentongBagongNanay niya bilang isang nanay influencer. Read here, kung hindi mo pa nababasa ang story niya.
Agree si mommy_alexies, favorite din niya si Mommy Chee, “kasi gaganda ng content niya especially usapang content creator.”
Follow Mommy Chee Vicente aka justcheespeaks if you want to know best practices and Instagram hacks for content creators and brand owners.
5. mommypracticality
Sabi ni Mommy joannaguilalas, “love her contents! Super friendly at approaching pa.” Same sila ni mamatin.blogs, “love the content too! Mapagbigay ng opportunity at relate sa mga post.”
Follow Mommy Louise aka mommypracticality, and learn from her practical guide to mommy life.
6. chammagsaysay
Sabi ni mamajloncho, fan siya ni Mommy Cham dahil “I love her family! Nakakatuwa mga feeds nya, all about family and un mga twinnings nila ni Keia, wishing magkakababy girl din para makatwinning din like Mommy Cham and Keia.”
Si mommyjoannaguilalas din hanga sa kanya, “super idol ko to when it comes to juggling her time for work, her family and for herself. Plus her contents! Super gaganda and nakakaakit talaga!”
Follow Mommy Cham Estrera Magsaysay aka chammagsaysay, ang ganda nga ng feed niya!
7. karenclaudene
Sabi ni scofield.mom, favorite niya si Mommy Karen. “I don’t remember kung paano ko siya nakilala, pero out of the blue, na-inlove ako sa pagiging napaka-down-to-earth niya, tutulungan ka niya at isshare niya talaga sayo yung blessing niya. Kelan lang nasabi ko sa kanya, na nabibilib ako sa pagiging multiperson niya, (influencer, mother, wife and nag-aaral pa, plus may business ding hinahandle) kaya naman talaga #BeautifulWithAHeart.
Top 1 din siya ni Mommy rvlsjn.20, “Bakit? Dahil sobrang idol na idol ko siya since nakilala ko siya na isa pala siyang momfluencer. Ayun, kapag palagi kong nakikita IG stories niya or any post, nagrereact at nagcocomment talaga ako ๐โฅ๏ธ Nakafavorites siya sa akin.”
Follow Mommy Karen Barot aka karenclaudene too!
8. tipidmommy
“I love her for being a wais Mommy and mga tipid tips nya, syempre as a mom need natin maging wais sa mga decision lalo na financially,” sabi ni mamajloncho.
Agree dyan si Mommy joannaguilalas, “the best ang tipid hacks and tips. Very helpful!”
Follow Mommy Gracie aka tipidmommy for posts on grateful living, hacks, budget talks, and buhay nanay.
9. millennialmomsph
“She is very passionate on everything she does. Super love her contents, sharing every tips and good finds on her page!” sabi ni Mommy joannaguilalas. Isa din siya sa top 3 ni Mommy reinloves, “sila talaga ung nilu-look up kong mga momfluencer. To me they are family, truly an inspiration lalo na sa kagaya kong first-time mommy palang.”
Follow Mommy Dette Zulueta aka millennialmomsph, for good finds, tips & giveaways.
10. _mommamsyc
Sabi ni mommajoycekim, isa sa mga favorites niya i-follow si Kumareng Amor. “Super blessed ako nakilala ko sila napakababait nilang tao inspired na inspired ako maachieve yung goals ko lalo na sa pagiging momfluencer, dahil sa kanila mas lumalakas loob ko at nakafocus ako sa kung ano yung dapat kong gawin. Nagpapasalamat din po ako at mahal na mahal ko sila kasi nakakainspire sila ng mga mommies kagaya ko.”
Follow _mommamsyc aka Kumareng Amor to know how she inspires moms to become mombassadors too.
Maraming salamat sa pagsagot, Bagong Nanay! Na-notice tuloy tayo ng mga nanay influencers. Hehe. Dahil dyan, as promised, may one winner ng Nanayversary Gift Pack from The Bagong Nanay Shop!
First anniversary na kasi ng The Bagong Nanay Shop, kaya thankful ako sa mga Bagong Nanays for helping me achieve this achievement (any daw, sabaw at 4am). Salamat!

Congratulations to Mommy ms.agramirez! Will send you a message on how to claim your prize. ๐
Love, Nanay Judy of Bagong Nanay (o, i-follow niyo din ako please, haha)
PS. May special prize si mamatin.blogs dahil nilagay niya ang Bagong Nanay sa Top 3 nanay influencers niya. Iba rin ang feeling! ๐คญ๐คฃ Salamat, Mommy Tin!
Need a Bagong Nanay to talk to? Join the Bagong Nanay Community on Viber.
Leave a Reply