Hello, #BagongNanay!
Kamusta na? Pasensya na at medyo na-busy tayo sa pagkampanya para sa #MySmartParentingStory contest.
One month ago, tinanong ko ang mga Bagong Nanay sa Instagram kung ano ang kanilang kakaibang pastime o libangan with their little one (LO). At siyempre, bilang dot com na tayo, level up na dapat ang content! Nanghingi ako ng mga supporting pictures sa mga sagot nila! At masaya ako dahil ang dali nila kausap. Hehe. #SharingIsCaring talaga lalo na during this time.
Kaya eto na ang mga activities na ginagawa ng mga Bagong Nanay, na baka hindi mo pa natatry.
1. Mag-TikTok
Usong-uso itong pastime, at madami ang sumagot nito, gaya nina Mommy Chee, Mommy Jhen, at Mommy Kristel. Sa totoo lang, tempt na tempt na kong i-download ang app na ito at sumali sa TikTok craze. Hehe.
Kung ayaw niyo naman ng TikTok dahil private person kayo, pwede ding videocall nalang with your loved ones, gaya ng sabi ni Mommy Guamela. “Bukod sa naiibsan ang pagkamiss sa isa’t isa, na-i-sho-showcase pa ng LO ko ang kanyang mga bagong tricks. Everybody happy!”
2. Mag-drawing
Ito daw ang pastime nila Mommy Alexies at ng kanyang LO. Eto rin ang madalas namin pastime ng aking toddler dahil ayoko siyang masyadong magbabad sa gadgets. Kaya meron kaming crayons at watercolor at napakaraming notebook. Mapupuno na nga namin, dahil daig pa ng nagpapagawa ng commission artworks ang anak ko.


3. Cooking and Baking
For Mommy Sam, cooking and eating ang therapeutic pastime nila ng kanyang not-so-little little one. “There’d be times na nasa kusina kami kahit medyo gabi na, looking for food, or preparing a late night snack. Bonding na rin namin yun. I’m happy he thinks I can make all the food he wants.”
For Mommy Rej, aside from yoga, baking ang pastime nila. Medyo messy, pero masaya siya! Tuwing Sunday, nagluluto ako ng pancakes, at si toddler ko ang magmimix ng batter. Natutuwa siya, at iniisip ko din na may real-life Matilda na ako. Hehe.
Very relevant din itong new blog post ni Mommy Rej about parenting in the pandemic. Lalo na sa mga mommies na guilty sa screentime ng kids nila. Check out kung paano nila ito na-address here.
4. Indoor swimming
Ayon kay Mommy Jowana, “dahil sa mainit na panahon at hindi makagala para pumunta ng beach, naglagay kami ng inflatable swimming pool at konting meryenda para sa mga bagets. Nung wala pang pandemic, tuwing summer nasa dagat kami. Sobrang miss na namin ang mag-beach.” YES, mommy. YES na YES.

Kami ng toddler ko, hanggang bath tub lang. At gusto pa naka-swimsuit siya. Hehe. Sana makapag-beach na ulit soon. Go away, COVID-19!
5. Maglinis
Eto yung mapapa-Sana All ka talaga. Hehe. Nakakatuwa kung si LO ay hindi lang pastime ang magkalat ano? Sana pati maglinis din. Hehe. Kaya natuwa ako sa sharing ni Mommy Sha.


Nakakatuwa pag natututunan nila yung mga ganito at an early age. Kasi ibig sabihin nakikita nila at na-a-appreciate nila na ginagawa din ito ni Mommy. Eto pa, isa pang pinadala ni Mommy Sha na sobrang aliw:

O, diba. Ang daming ideas! Salamat sa mga nag-share ng kanilang mga pastime with their LOs. May maidadagdag pa ba kayo?
Leave a Reply