ECQ, MECQ, GCQ pa man, may nananatiling constant: kailangang bumangon at magluto ng Bagong Nanay.
Dahil bawal lumabas, madalas gusto nalang natin magpadeliver ng pagkain. Kaya naglipana ang mga Facebook and Viber groups kung saan napakaraming pwedeng pagpilian. Sold tayo lalo na pag mabasa natin ang magic words na “FREE DELIVERY.” ๐
Pero siyempre, hindi naman pwedeng araw-araw take-out or delivery. Magastos siya, at alam nating mas malinis at mas mura pag lutong-bahay. Problema, ang hirap mag-isip ng lulutuin sa araw-araw, o di kaya, hindi naman tayo magaling magluto. Saktong fried egg lang or pancit canton ang alam natin bago tayo nagkapamilya. ๐
Katulad ko ba kayo na kada gabi, naglilista na ako kung ano ang lulutuin kinabukasan, para hindi ako mag-aksaya ng brain cells kakatitig sa kung anong mga ingredients sa ref. Kaya lang, madalas, paulit-ulit na ang niluluto ko. Ako mismo nauumay na.
Kaya naman, tinanong ko ang mga Bagong Nanay sa Instagram kung ano ang mga easy-to-cook recipes nila ngayong ECQ na naging MECQ na pala. Kinompile ko sila, at nagsingit na rin ng mga photos ng luto ko. ๐ฅฐ
May sabaw
- Nilagang baka na may mais
- Sinigang na isda
- Miso soup
- Law-uy (bisaya vegetable soup)
- Tinolang manok with malunggay
- Hotpot

Dahil may toddler kami sa bahay, mahilig siya sa sinabawang kahit na ano. Pag may sabaw ang ulam, sure na marami ang kakainin niya.
Ginisa
- Ginisang sayote
- Ginisang sayote sa sardinas
- Ginisang pechay sa sardinasSpicy tuna sisig
- Ginisang kamatis with egg
- Sizzling tofu
- Stir-fry vegetables (carrots, beans, sayote)
- Ginisang repolyo
- Ginisang sausage

Basta’t may bawang at sibuyas, may ulam. Share ko lang – napaka-life-changing ng tortilla wraps. Yung mga usual na ginigisa mo lang, ibalot mo sa tortilla wrap, at mag-le-level-up ang luto mo.
Prito
- Pan-seared salmon steak
- Pritong bangus
- Scrambled egg with onion
- Tortang sardinas
- Processed meats (tocino, meatloaf, corned beef, hotdog)
- Air-fried bacon

Eto yung mga pinakamadaling lutuin. Kaso, madalas, kulang sa nutrition! Kaya pag prito ang ulam namin, lagi akong magtitimpla ng M2 Malunggay Okra Luya Tea. Para sagot na niya yung gulay. ๐
May sarsa
- Adobong manok
- Adobong baboy
- Kinamatisang manok na may malunggay

Sarsa is love. Kasi sarsa palang, ulam na!
Non-rice
- Spaghetti
- Tuna pasta
- Tacos

Madalas kong menu for the day is breakfast, lunch na rice, then dinner na pasta. Para medyo may variety. Bili kayo ng iba-ibang klase ng pasta para di kayo maumay na puro spaghetti lang. Lakas din maka-sosyal ng olives. Favorite ng toddler ko.
Roasted
- Oven-roasted cabbages
- Roasted or baked chicken
- Sausages with baked potatoes

Dahil wala kaming oven, microwave is key sa amin. Like this instant ulam – beef randang in a bottle, heat lang, then poof! Walang kapagod-pagod pero ang sarap! Okay din ang gourmet tuyo or spanish sardines for instant ulam.
Instant

Eto naman ang ultimate panawid gutom. Instant noodles but make it fashion! Lagyan ng mga available gulay, egg, and beef balls. I-serve with nori/seaweed, and with kimchi on the side. Naging ramen ang simpleng mami!
Sana may napulot kayong ideas dito ng lulutuin habang naka-lockdown pa rin tayo. Kapit lang, naway matapos na ang pandemya at makapag-boodle fight na ulit with our loved ones.
Salamat mga nanays sa pagsagot sa ating #BagongNanayQOTW! rejjventress, cybilmalipot, mavicholics, happygo_chrissy, mommyjhentrese, mommylou_18, mommy_alexies, orangepopsicle18, mayjowa_na, and xingogaoiran!
And as promised, isa sa mga sumagot sa ating #BagongNanayQOTW ay mananalo ng M2 Malunggay Okra Luya Tea gift pack from The Bagong Nanay Shop!

Leave a Reply