Hello, #BagongNanay!
Nangyari na ba ito sa’yo:
‘Yung magtitimpla ka lang ng kape – tapos nakita mo hindi pa pala hugas yung tasa mo. Kaso ubos na pala yung Joy, need na i-refill, so pagtingin mo sa stock room, nakita mo na malapit na pala mag-expire yung isang delata. Kaya kumuha ka ng can opener para kainin mo na at hindi na masayang, kaso pagbukas mo ng drawer, nakita mo na may mga langgam! 🐜🐜🐜
So tinrace mo kung saan sila nagmumula at napaupo ka sa sahig. Nakita mo na may mga mumo pala ng kanin sa sahig, so kumuha ka ng walis, napawalis ka ng kusina, sinama mo na yung buong sala, nakarating ka na sa kwarto, tapos sabi mo maliligo ka na at isasabay mo na ang paglinis ng banyo. 🚽🪠
Tapos tsaka mo naalala na iinom ka lang pala ng kape. 😅
Bilang nanay, ang dami nating workload na akala ng iba ay maliliit lang. Pero i-ignore lang natin ang isa sa mga yun, ang laki na ng impact sa buong bahay!
Buti nalang may mga chores na kahit na sa paningin ng iba ay mahirap o nakakatamad gawin, ang tingin natin sa kanila, ME TIME! Kanya-kanyang mindset nalang kasi no choice naman tayo eh. 🤣

Ayon sa mga Bagong Nanay sa Instagram, eto ang kanilang mga paboritong gawaing bahay:
Maglinis ng banyo
Ayon kay Mommy Cybil, paborito niya ang paglilinis ng banyo. Kasi daw, iniimagine niya na yung kinukuskos niyang sahig o inidoro ay ang mukha ng taong kinaiinisan niya! 🤣

Si Mommy Sam rin, ito ang paborito at ginagawa niyang “me time” ito. “Napaka-fulfilling na makakita ng malinis na banyo, at alam kong ako ang naglinis. Yung parang may imaginary sparkles in my mind!” sabi niya.
Magluto
Ayon din kay Mommy Sam, paborito niya magluto kasi natutuwa siya makita na nagugustuhan ng anak niya ang luto niya. Subalit, pag hindi naman daw ito nagustuhan, vocal din ang anak niya dito. 😅

Sina Mommy Erin at Mommy Lou naman, mahilig din magluto kaya lang with reservations. “Magluto [ang paborito kong gawaing bahay] pero ayaw ko kumain,” sabi ni Mommy Erin.
Si Mommy Lou naman, “madali akong nabubusog pag ako ang nagluluto.”
Kung pareho tayong nagluluto nang tatlong beses sa isang araw, meal planning is key talaga. Minsan, igu-Google ko nalang kung ano ang pwedeng gawing recipe depende sa kung anong merong ingredients sa ref. 💯
Maglaba
Si Mommy Daisy, paborito ang paglalaba. “Gustong gusto ko ang maglaba. Ayaw ko kasing nakatambak na ang labahin eh. At pagtapos maglaba, maglinis naman ng CR, para mainam tingnan,” sabi niya.
Sa paglalaba naman, bilang limited ang space sa aming bahay at walang area for sampayan, nag-invest talaga kami sa washer-dryer combo na washing machine. Yung tipong pagkatapos ng 2 hours, itutupi mo nalang. Ang tanong: sulit ba sa halaga niya? Gagawa ako ng review ng LG Front Load washer namin soon. 💯

Mag-“dish-watching”
Ako ang paborito kong chore noon ay ang maghugas ng plato sa gabi, habang nanonood ng K-Drama. 😅 Kaya lang, binilhan ako ng husband ko ng Maximus Tabletop Dishwasher, kaya tuloy bihira nalang ako maghugas ng plato. 🤣 Choosy ka pa, mamsh?!
Pero seryoso, ang dami mo pang ibang magagawa kung ipapasa mo nalang sa dishwasher ang trabaho, lalo na kung no yaya ka din tulad ko. 💯

O siya, salamat sa mga sumagot sa ating #BagongNanayQOTW! Sa susunod na ulit at magluluto pa ako. Teka, kailangan ko muna maghugas ng plato. Bago yun, mag-CR muna pala ako. Ay, hindi pala ako makatayo dahil dumedede pa ang anak ko. 😅
Leave a Reply