“Self-care routine, nakakain ba ‘yun?”

Tayong mga #BagongNanay, best foot forward tayo lagi sa mga anak natin. Siyempre, first time natin eh. Natatakot tayong magkamali, ma-judge, o masabihang bad mom. Kung kailangang hindi matulog o hindi maligo para lang mabantayan si baby, gagawin natin ‘yun. Lahat ng atensyon, kay baby napupunta. Paano naman ang sarili natin?

Guilty ako dito. May time na wala akong pakialam sa itsura ko na pumayag akong magpakalbo dahil sa post-partum hairloss ko. Sa totoo lang, isa sa mga dahilan kung bakit ko yun ginawa kasi madalas kong nakikita na nakapulupot sa kamay ng baby ko noon ang mahabang hibla ng buhok ko. Yun pala minsan ang dahilan kung bakit umiiyak siya. Siyempre, ayokong masaktan siya. Kaya goodbye, long hair.

Pero na-realize ko na napakaimportante na inaalagaan din natin ang sarili natin. At hindi naman pala ganun kahirap mag-self-care, o magbigay ng pansin sa kalusugan natin. Pwedeng sa maliliit na bagay, napaparamdam mo na pala ulit sa sarili mo na mahalaga ka. At kung inaalagaan mo ang sarili mo, mas maaalagaan mo ang ibang tao.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang self-care ay ang “kakayahan ng mga indibidwal, pamilya at pamayanan upang maitaguyod at mapanatili ang kalusugan, maiwasan at makayanan ang sakit at kapansanan na mayroon bagama’t kulang o walang suporta ng isang propesyonal na taga pang-alaga ng kalusugan.”

SOURCE: MSF PHILIPPINES

Kaya naman, tinanong ko ang mga #BagongNanay sa Instagram kung ano ang kanilang “self-care routine.” Gagamitin ko ding reference ang mga posters mula sa Medecins Sans Frontieres (MSF) Philippines na pinost nila sa kanilang Twitter, Instagram at Facebook in time for International Women’s Day.

Exercise and meditate

Ayon kay Mommy Rej at Mama Mindy, exercise ang kanilang self-care routine. “Exercise: depends on my mood and energy level. Sometimes I feel like [doing] yoga, for stretching and peace of mind. Sometimes I want to dance, so I do Zumba,” shares Mommy Rej. “Sometimes I want to feel strong and powerful so I do weights or core exercises,” dagdag pa niya.

Kung kakapanganak mo palang at palagay mo ready ka na to get your pre-Bagong Nanay body back, i-check out mo ang Instagram ni Mama Mindy. Isa siyang certified post-partum core rehab specialist. May back stretches for breastfeeding mamas, early post-partum babywearing workouts, and more.

For meditation, sabi ni Mommy Rej, “Spotify lang OK na! There are guided meditations on Spotify. There are also nature sounds or white noise for sleep and relaxation. But there are also free apps like Headspace and Smiling Mind.”

Pamper yourself

Ayon naman kay Nanay Claire, “I am making sure that I am putting my skincare routine daily. Kahit I am a widow now, but I am [practicing] self-care and self-love.”

Agree ako dito. Nakaka-tempt yung kesa mag-cleanse, tone, and moisturize ka ng skin, eh itutulog mo nalang. Pero yung simpleng makapaghilamos ka lang, minsan sapat na yun para ma-refresh ka.

At syempre, while you’re at it, i-compliment mo din ang sarili mo habang nakatingin sa salamin. Sabihin mo na maganda ka, noon at ngayon, and you are enough.

Keep your body clean and healthy

Gaano katagal ang pinakamatagal mong paligo since naging #BagongNanay ka? Kung dati may time pa tayong maglagay ng hair spa treatment, ngayon, wala pang one minute, banlaw na ang conditioner. Pero madalas, ang pagligo ang pinaka-me time ng mga Bagong Nanay.

Fun fact: Naisip kong gawin ang Bagong Nanay habang naliligo ako, isang araw noong September 2019.

Sabi nga ni Mommy Daisy, “Hindi po dapat nawawala ang self-care natin, sa kabila ng mga busy nating buhay. Ako po ang aking self-care, sa umaga pa lang makaligo na, tapos hilamos at toothbrush sa gabi bago matulog. Yan lang ang aking simpleng self care. At siyempre kumain ng masustansyang pagkain.”

Destress and sleep

Kung anumang bagay ang pwedeng magbigay sayo ng ngiti o magpatawa sayo, gawin mo ito. Kahit kasing simple ng paglalaro ng Candy Crush, or panonood ng K-Drama, pag-browse ng Facebook, deserve mo yun, Bagong Nanay.

At usually, ginagawa natin ito pag tulog na ang mga bata.

“Self care routine ko is watching at least one series/movie per day after work, pagtulog na lahat, bago ako matulog. Most of the time kasi lalo ngayon WFH, nawawala na yun me-time at boundaries natin eh,” sabi ni Mommy Chee.

Eto yung tinatawag ng mga experts na ‘revenge bedtime procrastination.’ Habang isang way ito para mag-destress tayong mga nanay, bilin ng mga eksperto na matuto tayong i-balance ang schedule natin para hindi tayo masanay na laging napupuyat dahil dito.

Be spontaneous

Hindi natin kailangang magpaalipin sa ating routine. Why not shake things up a bit? It won’t hurt kung minsan, umorder ka ng paborito mong take-out food kesa mag-spend ka ng oras sa pagluluto. Mag-screentime kayo together ng anak mo for a few minutes? What if bumili ka ng dishwasher para hindi ka na palagi maghuhugas ng plato?

Wala namang perpektong nanay. Wala namang nag-ge-grade sa atin kung gaano tayo kagaling na magulang. Give yourself a break, Bagong Nanay. And when you do, you will be more focused, more energized than ever.

At kung hindi mo talaga kaya…

May mga panahon na kahit maghilamos hindi natin magawa dahil sa dami ng kailangang gawin. Yung tipong lumamig na pala yung kape mo, hindi mo pa natitikman. Okay lang yun. Ang mahalaga, alam mo ang gagawin kung sakaling maramdaman mo na parang may nag-iba sayo.

Kung gusto mo ng makakausap na mga kapwa Bagong Nanay, join the Bagong Nanay Community on Viber. Dito, walang pagalingan. Walang payabangan. Usap-usap lang. Damayan lang. Dahil at the end of the day, #BagongNanaysEMPOWERBagongNanays.

Ikaw #BagongNanay, anong self-care routine mo?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: