#ChooseToChallenge, Bagong Nanay.

Happy International Women’s Day, #BagongNanay!

Noong March 8, nakiisa ang Bagong Nanay sa pagsaludo sa lahat ng mga kababaihan sa buong mundo. Nuks, lakas maka-SEC registered org? Haha.

Ang theme ng #IWD2021 ay #ChooseToChallenge. Ang ganda nito, dahil bilang isang bagong nanay, magandang pinipili nating i-challenge ang mga mindset, pananaw, o mga kinagawian na ng society. In short, madami tayong kuda.

Maraming mga stigma sa mga bagong nanay, na kesyo dapat ganito o ganyan tayo. Isa lang ang masasabi ko. Sabi nga ni Les Brown, never let someone’s opinion become your reality.” Yes, kakanood ko lang ng Start-Up, at #TeamGoodBoy all the way ako. Hehehe.

Kaya naman, tinanong ko din ang mga Bagong Nanay sa Instagram kung anong mga negatibong pananaw ukol sa pagiging baguhan sa larangan ng parenting ang gusto nilang i-challenge. At bumilib ako sa mga sagot nila.

“Walang alam”

Ayon kay Mommy Chee, isa sa mga negatibong pananaw na gusto niya i-challenge ay ang pag-judge sa mga Bagong Nanay na wala tayong alam. “Wala daw alam, makinig lagi sa sasabihin ng mga matatanda kasi yun daw lagi tama.” Meron bang pinanganak na marunong na agad maging nanay?

While it is important to listen to what our parents say, we have to be discerning because every child is unique. Hindi pwedeng kung ano ang nag-work kay Baby A ay yun rin ang magwowork kay Baby B. Kung noon, gumagamit sila ng mansanilya para sa kabag, at sinabi naman ng pedia mo na hindi maganda yun, as a mother, ikaw ang may final say. Kasi in the end, whatever happens to your child, ikaw ang accountable doon.

Para sa mga nakatatanda, bigyan naman natin ng chance ang mga Bagong Nanay na matuto at magamit ang diskarte nila. Hindi pwedeng ipilit ninyo ang gusto ninyo sa apo o pamangkin ninyo dahil hindi niyo po sila anak.

“Wag ka na mag-work”

Gusto naman i-challenge ni Mommy Marie Cris ang negatibong pananaw na “pag natapos na ang maternity leave and need na bumalik sa work, guilt trip sa mga bagong nanay instead na suportahan sila, for sure they would want to stay at home with the baby pero no choice ang iba but to work.”

Sad reality, pero malayo pa ang tatahakin natin para maging supportive ang mga workplace to first-time mothers. Sometimes, wala na sa kamay natin to choose if we work or stay home. Lalo na ngayong may pandemic. We do what we need to survive. Nasa survival mode tayo. Kaya please, I call on companies, to be extra kind to your employees who are also moms. They are facing a different kind of battle. Please default to empathy, until the pandemic is over.

“Wag mo masyado i-baby”

Bilang Bagong Nanay, syempre best foot forward tayo sa mga anak natin. Pero madaming nagsasabi na huwag daw masyado i-baby ang baby. So paano, i-adult agad ang baby? Haha.

Sabi ni Mommy Erin, “I can recall na madami nakikialam how I am very protective of my child, and masyado daw bini-baby or kinakarga. Well, once they grow up, you’ll miss those moments din talaga. “Your child, your rules,” and do everything with love, sabi nga nila and you’ll know what needs to be done.”

Do everything with love – dyan magaling ang mga Bagong Nanay. Kaya naman please, when you see us sacrificing our sleep just to watch our babies sleep well, bigay niyo na sa amin. They grow up so fast. Let us cherish the moments.

“Wala ka namang ginagawa”

Eto ang gusto ko ring i-challenge na pananaw ng mga tao eh. Agree ako kay Mommy Daisy. “Yung masabihan kang, “wala ka namang ginagawa sa bahay.” Eh, ano pala yung pag-aalaga mo sa mga anak mo? Pag-aasikaso sa asawa mo? At sa buong bahay? Very challenging yang ganyang mga salita na yan nung nagsisimula pa lang kami ng buhay namin bilang mag-asawa. But as time goes on, ginawa ko siyang challenge. Hindi ko siya minasama, pero pinakita ko sa kanila na kaya kong maging nanay at the same time magampanan ang pagiging asawa.”

Some women had to quit their job to become a full-time mother sometimes not by choice but by circumstance. Either walang makuhang yaya, or need tutukan si baby, or dahil nga may pandemic. While other people think that being a stay-at-home mom is “maswerte” dahil hindi ka nga nagwowork, well, if you’ve never tried to be one, you’ll never know.

Stay-at-home mom depression is real. And it is important that we create safe spaces for Bagong Nanays to express their emotions and exhaustion. This is something I would like to stand for and challenge. Because it is happening to me. And I know I’m not alone.

If you want someone to talk to, join the Bagong Nanay Community in Viber. You can personally message me, and we can talk.

As Bagong Nanays, we already have our own crosses to carry. We hope the people around us don’t add to the load, and help us instead.

Let’s continue to #ChooseToChallenge, and also, choose to be kind to one another. We are living in extraordinary times, and I hope that we don’t add to someone else’s burden.

#BagongNanaysEmpowerBagongNanays

Nanay Judy

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: