4 tips to cope with daily nanayhood struggles

I have to say – nakakaloka na ang mga turn of events. Mag-iisang taon na tayong naka-quarantine dahil sa Covid-19 pandemic. Parating na ang mga bakuna, pero ang bagal ng usad. Dagdag pa diyan, hindi nauubos ang chores natin bilang mga nanay. Shoutout sa mga walang yaya o kamag-anak na kasama sa bahay katulad ko, minsan, hindi ko na alam kung saan pwede humugot ng sanity.

Nakaka-pressure rin pala no, na ang tingin ng society sa mga nanay ay mga superwoman. May nabasa akong meme kanina, natawa nalang ako. Kasi nakakarelate ako.

Credits: Close to Classy

May mga araw na para bang ayaw mong magpaka-nanay. Yung sana pwede lang humilata sa kama at magpahinga. Pero hindi, babangon at babangon tayo dahil nanay tayo. Nanay na tayo.

Kaya naman, naisipan ko magtanong sa mga kapwa ko nanay sa Instagram kung ano ang mga recent discovery nila para makapag-cope sa nanayhood struggles na nararanasan natin everyday.

Bilang isang development worker, naniniwala ako na bilang nanay, kailangan holistic ang pagtingin natin sa health natin. Na hindi lang dapat healthy ang katawan at ang kinakain natin. Dapat kasama rin ang emotional, mental, at spiritual health natin. Kundi, hindi tayo totoong okay. Hindi natin maseserve ang mga pamilya natin kung tayo mismo ay hindi okay.

Tip #1: Move.

Siguro mag-aagree kayo na isa sa pinaka-challenging sa sitwasyon natin ngayon ay yung bawal lumabas. Mga social creatures tayo eh. Yung panay punta ng mall kahit wala namang bibilhin. Tatambay sa labas ng bahay para makapag-chikahan sa kung sinumang nasa labas. O pupunta ng Starbucks para makipag-catch up sa friends.

Napakahirap na limited ang galaw natin. Hindi tayo makahinga. Kaya sana makahanap tayo ng way para igalaw ang mga katawan natin. Gaya ni Mommy Chee. Sabi niya, “Recent discovery ko is mag-bike kapag madami na akong iniisip. Lalo na sa mga area na may mga puno.”

Nakakamiss mag-Zumba. Yung naka-social distancing kayo para hindi magkatamaan sa pagsayaw. Pero pagkatapos nun, kakain kayo sa tapsihan. Pwede pa rin naman mag-Zumba sa bahay, gaya ng kwento ni Mommy Rej dito sa blog niya.

Involve mo din si LO sa paggalaw para masarap nap niya

No excuses tayo, mga nanay. Kasi according to Mama Mindy, kahit 6 weeks post-partum ka palang, pwede ka na mag-balik alindog program! Depende sayo kung ano ang gagawin mo para gumalaw basta gumalaw ka. Kasi ako sa totoo lang, sinasayawan ko nalang yung Cocomelon at Pororo.

Tip #2: Communicate.

Madami satin na sasabihin na mayakap at makiss lang tayo ng mga anak natin, pawi na ang pagod natin. Pero minsan, may iba pa tayong kailangan para naman maboost ang emotional health natin.

Sabi ni Nanay Daisy, “Ako po nadiscover kong magbasa ng mga iba’t ibang stories ng mga kapwa ko nanay.” Bilang mga Bagong Nanay, nangangapa tayo minsan. At okay lang yun. Kaya mahalaga ang pag-share ng mga kuwento natin gaya ng sabi ni Mommy Daisy. Abangan: #KuwentongBagongNanay this Saturday!

Kailangan din natin ng kausap tungkol sa mga feelings natin. Kasi kung yung anak lang natin ang kausap natin, baka maloka tayo. May phase sa buhay ko (bago pa ko magkaron ng anak) na parang mas gusto ko mag-open up sa mga strangers kesa sa mga taong malapit sakin. Wala lang, parang no judgment lang. Bagong perspective ba. Isa sa mga apps na nakatulong sa akin noon ay ang 7 Cups. Pwede niyo siya itry – lalo na sa mga panahong kailangan niyo lang talaga ng makakausap.

Ito rin ang dahilan bakit ko naisip gumawa ng Viber group ng mga Bagong Nanay. Napakalaking bagay yung may makakausap ka na naiintindihan ka, at magrereply sa tanong mo. Kaya kung hindi ka pa kasali, join ka na sa Bagong Nanay Community. Dito, may nanay na gising para sumagot sa mga tanong mo. Kahit ano pa yan – from paano magpaputi ng kili-kili to anong pakiramdam ng naglalabor na.

Lagi ko itong ippromote hanggang sa sumali ka na

Tip #3: Find your peace.

Taas kamay kung katulad ko – na-a-anxious kayo araw-araw sa kung ano ang lulutuin almusal, tanghalian, at hapunan? Grabe pala maging adult no? Lahat yan iisipin mo kasi ikaw na yung nanay ng pamilya. Kaya kesa mastress ka sa araw-araw kakaisip, ang ginagawa ko ay nag-pi-prepare na ako ng plano ko for tomorrow.

“To-do lists are lifesavers,” sabi ng mga taga-Parkwood Playschool. Napakalaking bagay sakin na nakaplano na ang araw ko, para wala akong makakalimutan at yung may sense of achievement ka at the end of the day dahil naaccomplish mo ang tasks mo. Kahit gaano pa kaliit yan. Actually, the more specific ang tasks na isulat mo, mas mataas daw ang chance na magawa mo ito.

Naka-sale na yung planners ng Mommy Mundo! Check it out

Tip #4: Believe.

If you know me, baka di kayo maniwala but I (try to) start my day by reading the Daily Scriptures. Kasi minsan, feeling ko pag may problema ako, may sagot na agad si Lord/Allah/Universe bago ko pa itanong. Lalo na at a time like this, kailangan natin ng kakapitan na hindi kakalas sa atin.

Isa rin sa mga recent discoveries ko ay ang Daily Wellness playlist ng Spotify. Nakakapag-meditate ako at the end of the day – pagtapos na ko magchores at manood ng K-drama. Nakaka-relax siya, at the same time, eto na yung pinaka-me time ko.

Mix siya of talks and songs – sana naka-Premium ka; ako hindi

Dahil minsan, hindi naman kailangan ng manicure o pedicure to feel that you are taking care of yourself. Minsan, sapat na yung huminga ka lang. Inhale, exhale. Inhale, exhale. After all, nanay tayo. Nanay na napapagod, nangangapa, nadadapa, pero sa huli, nagpapahinga. Humihinga. Dahil while we breathe, we hope.

Mahirap maging nanay. Given na yun. Kaya let’s take it one day at a time lang.

One last tip: When you feel super down or tired, hug your little one. Feel every tiny part of their body. And realize how that tiny little thing could give you so much love. How that small human can inspire you to be superhuman. Yes, babalik tayo sa yakap nila.

We got this, Bagong Nanay. One day at a time.

Nanay Judy

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: