Hello, mga #BagongNanay!
Kung meron kayong Netflix sa bahay, siguro napanood niyo na ang singing contest na Sing On! Nakakatuwa itong palabas na ito, dahil ngayong panahon ng pandemic, isa sa mga nakakamiss na gawin ang pag-videoke with friends.
Hindi pwede sa ngayon dahil paano ka magsosocial distancing sa liit ng mga videoke rooms? Bawal din kumanta kasi tatalsik ang droplets. Hay. Kaya virtual nalang muna. Nood nalang muna ng Sing On sa bahay.
Kaya naman, tinanong namin ang mga #BagongNanay sa Facebook at Instagram: kung kanta ang 2020, ano ang lyrics nito para sayo at bakit?

Mapapakanta ka sa mga sagot nila!
🎤🎵And you’ll see me waiting for you, at our corner of the street. So I’m not moving. I’m not moviiiiing… 🎶 @mommyfaith.ph
The Man Who Can’t Be Moved or The Family That Can’t Go Out? Haha. Sabi ni Mommy Faith, yan ang kanta niya dahil stay at home ang protocol habang nasa ilalim pa rin tayo ng community quarantine. Hanggang kelan? Hindi natin alam.
🎤🎵You’ve made me stronger by breaking my heart… 🎶 @momofhyperkids
Gusto ko ang perspective ni Mommy Honey. Sabi niya, “sa dami ng trials this year, naging matatag ako.” True naman! Kaya natin ‘to mga mamsh!
🎤🎵I’ve got to break free. God knows, God knows I want to break free! 🎶 @mamafindsbliss
Mapapakanta ka talaga dito sa lyrics ng rock band na Queen, na entry ni Mommy Missy. God knows, gusto na natin lahat lumabas at pumasyal with our babies!!! 2020, quota ka na talaga!
🎤🎵Basta’t tayo’y magkasama, laging mayroong umagang kay ganda. Parang sikat ng araw, may dalang liwanag.. sa ating pangarap. Ooh… Haharapin natin. 🎶 @_katemorales_
OPM naman ang entry ni Mommy Kate. Sabi niya ngayong 2020, mas lalo silang naging close at matibay ng family niya. Dahil naka-lockdown sila sa isang bahay, pagkakataon nga naman na mas makilala pa ang bawat isa.
🎤🎵Let it go.. let it go.. Can’t hold it back anymore! 🎶 @mavicholics
Napa-channel si Mommy Mavic sa kanyang inner Elsa! Sabi niya gusto na niya mag-let go sa community quarantine para makagala na with her kids. Relate na relate sa iba pang mga mommies.
🎤🎵Lapit nang lapit, ako’y lalapit. Layo nang layo, ba’t ka lumalayo? 🎶 @guamdalisay
Ito ang paalala ni Mommy Guammy sa ating lahat. “Pwede ba yung trending song dati na Kahit Ayaw Mo Na? Dahil lang sa lyrics nito na malakas maka social distancing. #6FeetApartPlease”
Wala tayong choice sa ngayon but to stay home and keep ourselves safe from Covid-19. Always wear mask and face shield when you need to go out for essential activities. Eat healthy, and boost your immune system.
Try our M2 Malunggay Okra Luya Tea from The Bagong Nanay Shop! May promo this October – avail na mga mamsh! Thanks to M2 Lactation Club and Grab Express for making this possible. Nuks!

Leave a Reply