Hello, mga #BagongNanay! Kamusta ang pagluluto ng 3x a day, minsan lampas pa kasi may merienda? Paggising ko sa umaga, iniisip ko na anong lulutuing breakfast. Pagkakain ng breakfast, ano namang lulutuing lunch. Anong merienda? Anong dinner? Repeat til fade.
Isa daw ito sa laman ng ating mental health load bilang nanay. Nakatulong sa akin ang paggawa ng meal plan. Naglilista ako kung ano ang aking ipprepare na mga ulam for two weeks. Kaya lang, ang hirap mag-isip ng mga bagong maluluto ah! Todo research ako sa mga Facebook groups at sa Google ng Pinoy recipes.
Kaya naman tinanong namin ang mga #BagongNanay sa Instagram at Facebook kung ano ang paborito nilang lutuing ulam with a twist. Kumbaga hindi nakasanayan, creative. Nakakaloka at nakakatakam ang mga sagot nila!
“Mixed seafood curry.” @mamee_aizy
Mahilig daw si Mommy Aizy magluto pero wala pa siyang recipe na maituturing na kanya. Pero wag ka, patok na patok sa kanyang pamilya at maging sa mga friends niya ang mixed seafood curry na gawa sa shrimp, tahong, pusit and lots of veggies. Yummy!
“Ginisang spinach na may condensed milk.” @thenicoledvillaran
Eto ang twist na hindi ko maiisip! Iba talaga si Mommy Nicole na mahilig mag-explore ng iba’t ibang recipe para sa kanyang two boys. Ang mahalaga naman – edible at healthy, diba?
“Adobo na may malunggay.” @ayessammy
Kwento ni Mommy Ayessa, para hindi masayang ang nabiling malunggay leaves, at para hindi panay Tinola ang luto niya, nilalagay niya nalang ito sa kahit anong ulam! Tulad ng Pinoy classic na Adobo.
Kaya naman meron tayo sa The Bagong Nanay Shop na Malunggay Powder, na pwede ninyong ihalo sa kahit anong pagkain – fried rice, pancakes, ulam, at kahit sa smoothie. Di niyo mapapansin na may gulay, pero andun ang phytonutrients ng malunggay.
“Prata + homemade jam = Danish pastry.” @xingogaoiran
Parang gusto kong masubukan itong instant merienda na ishinare ni Mommy Xin. Yung prata ay isang Indian flat bread na usually sineserve with curry. Pwede pala itong lagyan ng palaman like homemade jam or custard at meron ka nang pantawid gutom na soshal!
“Sausage and lentil stew!” @rejjventress
Isa pa itong recipe ni Mommy Rej – mahilig siyang magluto ng sausage in different ways! Check out her recipe here.
“Ginisang kalabasa + all-purpose cream = squash soup!” @judiyamariya
“Lahat ata ng ulam pwedeng lagyan ng all-purpose cream at magkakaroon ito ng kakaibang twist! Try niyo sa spaghetti sauce or kahit sa ginisang kalabasa!” Isa ito sa mga discoveries ni Nanay Judy ngayong quarantine. Pati rin si celebrity Nanay @chynsortaleza.

Salamat sa lahat ng nag-participate sa #BagongNanayQOTW na ito! Lahat kayo ay tatanggap ng 10% discount to any The Bagong Nanay Shop products. Just send a screenshot of your answer when you order.
Ikaw, meron ka bang ulam with a twist na kahit kakaiba ay paborito ng iyong pamilya? Share mo na yan!
Leave a Reply