What’s up, mga #BagongNanay? Nalula ako sa dami ng mga sumagot sa ating Bagong Nanay Question of the Week! Salamat sa inyong suporta at hindi pagiging KJ. Lalo ngayong panahon na ang dami na nga nating iniisip, dumagdag pa ang pa-white sand sa Manila Bay, join nalang tayo sa mga positibong usapan sa social media.
Speaking of social media, kanina, napanood ko ang documentary na The Social Dilemma sa Netflix. Dito, pinakita ang dark side of social media – how it’s taking over our lives and why we should fight it.
While the Internet enables us to access information, ito rin ang nagiging enabler ng fake news. While social media was initially envisioned to spread positivity through likes, nakaka-affect na pala ito ng bongga sa ating mental health, lalo na sa mga younger generations. While these platforms connect us to our loved ones across the world, these were also used as means to divide a country.
Pardon the code-switching, ang hirap mag-Tagalog, aminin. Haha. Dami pa ako thoughts, pero dito nalang tayo mag-discuss if you want.
Anyway, mabalik. Nagtanong kami sa Instagram at Facebook kung ano ang iba’t iba pang role ng nanay sa kani-kanilang bahay. Yes, may sumagot na sa Facebook this time! Haha. At nag-promise ang Bagong Nanay to award the wittiest answer – hindi lang ang honor na ma-feature dito sa blog, but with a surprise gift na ang winner lang ang makakaalam! Yey.
Eto na nga ang mga sagot nila sa #BagongNanayQOTW:
“Peacekeeper. Lalo na pag nag-wa-warla ang mga bagets.” @mommyfaith.ph
Good job si Mommy Faith! Wag po tayong kunsintidora. Hehe.
“Tech support ngayong new normal.” @orangepopsicle18
Ayon kay Mommy Sam, isa siyang multi-faceted nanay. Siya rin ay: “Personal assistant sa mga activities, photographer, videographer, documenter, lifetime banker/pawnshop/loanshark na di naman babayaran, debater rin since magaling mag-reason out ang bata, cheerleader, prayer warrior, psychologist, nurse, doctor, and more.”
“Guidance counselor.” @mommycheespeaks
At least hindi na-pi-Principal’s office ang mga kids!
“Taga-hanap ng mga bagay-bagay sa bahay (kahit hindi naman nawawala).” @sahmnimia
Sabi ni Mommy Jea, di daw niya alam anong tawag sa taong ganito. Lost and found desk? Imbestigador? Forensic expert? Charot. Ano nga ba?!
“Janitress.” @thenicoledvillaran
Totoo po. Sana may promotion or salary increase, ano ho?
“Minsan photographer, singer, dancer,(talented ka?!)” @slayingmotherhood
True ito! Minsan kailangang aliwin si baby para kumain, or hindi umiyak. Hahaha. Kakapagod rin po ano. Haha.
“All-around yaya, manager, mayordoma, accountant, personal assistant, driver, cook, baker, at madami pang iba.”
@mylifefae
Sana all ng role may payroll.
“Dakilang tutor.” @mavicholics
Lalo na ngayong online na muna ang school, ayon kay working Mommy Mavic, siya ang dakilang tutor ng kanyang anak na si Zac.
“Struggle is real sa online schooling, mamsh. Bukod sa nakatabi ka sa gilid niya during online discussions ako pa din taga-turo. Or minsan ako na gumgawa ng assignments, seatworks at projects! Pero enjoy naman, para akong bumalik sa pagiging student,” share niya.
“Ako si “Catrionanay.” @guamdalisay
Winner itong sagot ni Mommy Guammy! “Dahil kahit haggard na ko sa mga gawaing nanay, ako parin daw ang Ms. Universe ng mag-ama ko. At sila naman ang #SilverLining sa buhay ko. And I, thank you!” May nanalo na! Hahaha.
“Ako si “Kenyubay.” Jinky Santos
Para sa akin, ito ang pinaka-witty! Ayon kay Mommy Jinky, siya daw si “Kenyubay.” Bakit? Dahil ito daw ang bukambibig ng kanyang anak na si Dean: “Mommy, can you buy <insert lahat ng makikita ni Dean sa tv>).” Hahahahahahahahahah. Buti nalang hindi pa nagsasalita ang anak ko. 😛
Congratulations, Mommy Jinky! I-pi-PM kitak ung ano ang iyong surprise gift from Bagong Nanay. 🙂
Maraming salamat sa lahat ng sumali! Nakakaaliw na ang dami nating hats na iwiniwear bilang nanay, ano? Siguro kahit anong lista ang gawin natin, hindi tayo matatapos. Ang pagiging nanay ay hindi biro. Pwede kang mag-break, pero hindi ka pwede mag-leave. Hindi ka din pwede mag-resign. Kaya saludo ako sa bawat isa sa inyo, mga Bagong Nanay. Kung iniisip mo palang na may iba ka pang role bukod sa pagiging nanay, ibig sabihin nun na isa kang mabuting nanay.
Lagi’t lagi naming ipapaalala sa’yo, we see you, Nay. Everything that you do is valued and appreciated. Mahalaga ka, Nay. Kaya kapit lang.
Ikaw, ano pa ang title mo sa bahay bukod sa pagiging Nanay?
Leave a Reply