“Di ko naman pala kailangan…”

Hello, mga #BagongNanay! Sorry, medyo na-late ang blog post na ito. Minsan kasi, ang sarap sulitin ng weekend kasama ang pamilya. Pero pagkagising mo ng Monday, parang weekend pa rin naman pala. Walang aalis para pumasok, dahil work-from-home. Yun nga lang, hindi pwedeng pumunta ng simbahan para mag-simba, or mall para pumasyal.

Nagtanong kami ng mga Bagong Nanay sa Instagram kung ano ang habit o routine nila noon – bago pa mag-lockdown – na na-realize nilang kaya naman pala nilang hindi gawin ngayon.

At eto ang mga sagot nila:

“Kaya ko pala na hindi bumili ng bagong damit.” @sahmnimia

Ayon kay Mommy Jea, noong dalaga pa siya, monthly siya kung mamili ng damit. Nung nag-asawa na siya, naging madalang na. At ngayong nagka-pandemic, hindi naaaa! Puro kay baby and necessities nalang. Isang malaking RELATE, mamsh!

“Kaya ko naman palang hindi magpa-mani and pedi every month.” @evrydaymomslife

Sabi naman ni Mommy Jemma, kaya niya naman palang hindi magpa-manicure and pedicure every month, pero ang hindi niya talaga kaya i-give up ay ang back massage. Wow. Ang sarap! Nakakamiss.

At dahil di na siya laman ng nail spa, ano na kaya ang kinahihiligan ni Mommy na pagandahin? “I spend a lot of time decorating and improving my daily budget journal. Ang dami ko nang highlighters and pens. Since pandemic, I realized na need mag-improve ng savings. Three (3) months cushion is not enough pala.”

Very well said, mommy. At least nakatipid din sa mamahaling Orly nail polish at tip! 😛

“Kaya ko palang hindi magpagupit nang six months!” @rejjventress

Kung dati ay onting tubo ng hair, set appointment sa salon, tila nag-iba ang ikot ng mundo para kay Mommy Rej. Ang dating high-maintenance na pixie cut, wala munang choice kundi pahabain ngayon.

“Kaya ko palang hindi mag-staycation every two months.” @eringaloso

Say it with me, mga mamsh. SANA. ALL. Nakaka-staycation every two months. HAHA! Don’t worry, kapatid ko siya. Hehe.

Bukod dito, sabi ni Mommy Erin, na malungkot siya dahil na-realize niyang kaya pala niyang hindi magpagupit sa salon, gaya ni Mommy Rej.

Ako nga mga mamsh, isinuko ko nalang kay Husband ang aking buhok. Bumili siya ng hair clipper sa Lazada – at sa akin niya itinest. Panoorin niyo itong pag-ahit niya sa ulo ko!!!

Dahil libre ang gupit, sinulit ko na!

“Kaya ko palang hindi mag-complain.” @guamdalisay

Ang ganda ng entry ni Mommy Guammy. “Kung dati hindi maiwasan magreklamo at ma-stress over the little things, ngayon lagi nalang akong thankful at #FeelingBlessed basta walang sakit ang buong pamilya.” Eto. Eto lang naman talaga ang mahalaga sa panahon ngayon. Wala nang iba.

Napakaraming pagbabago ang dala ng pandemic, ano? Imagine, it took a pandemic for us to realize what matters to us most. Nakakalungkot isipin na ang mga bagay na nagbibigay aliw at saya sa atin noon – manicure, pedicure, spa, mall, salon – ay humaharap ngayon sa isang hamon. Bilang mga Pilipino tayo, nagiging mapamaraan para lamang makamtan ito, nang hindi i-co-compromise ang ating health and safety.

Ikaw, Bagong Nanay, ano pang napagtanto mong hindi mo naman pala kailangan?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: