Tinanong namin ang mga #BagongNanay sa Instagram kung anu-anong bagong skill o kakayahan ang na-discover nilang kaya pala nilang gawin ngayong nakasailalim ang Metro Manila sa community quarantine sa gitna ng Covid-19 pandemic.
Nakakaaliw ang mga sagot nila!
“Kaya ko pala magluto ng 3x a day.” – @judiyamariya
Taas-kamay ng mga nanay diyan na kunwari nalang may Top Chef o Master Chef challenges para lang mapakain ang pamilya ng iba’t-ibang ulam per day. Napakahirap po mag-isip ng lulutuin, ano? Buti nalang andyan ang Panlasang Pinoy. Haha!
Check out Nanay Regina’s blog for certified yummy at madaling i-prepare na Quarantummy recipes!
“Kaya ko pala manahi.” – @xingogaoiran
At ang galing niya! Check out ang mga dresses na tinahi ni Singapore-based Mommy Xin para sa kanyang little bunny daughter Dani. ❤
“Kaya ko pala maging mom-preneur!” @guamdalisay
Dahil halos lahat ngayon ay nagsstay at home para iwas-Covid, dumarami ang mga nagbebenta online. PM is the key, ika nga! Si Mommy Guammy ay nagbebenta ng malunggay tea drink online para sa mga #BagongNanay na tulad niya! PM niyo na siya! 🙂
“Kaya ko pala mag-WFH-gawaing bahay-at mag-alaga ng toddler.” @ayessammy
Hands down, Super Nanay Ayessa! Sinong relate na mas mahirap pa ang mag-work-from-home kesa pumasok sa office?
“Kaya ko pala makatapos ng K-Drama in one day!” @mavicholics
Eto namang si Mommy Mavic, na-break ang kanyang record sa panonood ng K-drama! Kung dati inaabot pa siya ng 2 days, natapos niya panoorin sa Netflix ang The King: Eternal Monarch ng isang araw lang! Winner! Nirerecommend niya ito dahil “high-class ang production plus Lee Min Ho, of course!”
Anong K-drama ang pinapanood niyo, mga #BagongNanay?
“Kaya ko pala tumayo sa inidoro nang hindi naghuhugas ng pwet… kasi biglang pumasok si baby!” @thenicoledvillaran
ITO TALAGA ANG SKILL! Hahaha. Kabog ang lahat ng skills namin sayo, Mommy Nicole! Hahaha. Ang hirap nga naman mag-CR in peace lalo na pag extra clingy ang ating mga babies!!!
Sa panahon ng pandemya tulad ngayon, hindi naman required na may matutunan tayong bagong gawain. Pinakamahalagang task natin ngayon bilang mga #BagongNanay ay panatilihing safe, healthy, at buhay ang ating pamilya. Yun ang hindi matatawarang skill natin bilang mga nanay. ❤
Kaya natin to, mga mamsh! Kapit lang!
Leave a Reply